Old school Swatch Watches
HomeFreedom Wall
Freedom Wall
Mga salitang piniga mula sa paniniwala, tinipon at ibinilad sa mukha ng lipunan. Mga buntung-hininga ng puso at patak ng utak na hindi kakasya sa limitadong espasyo.

Bata at tindera ng ice cream nag-uusap...

Tindera: Alam mo, hindi ako naniniwalang may Diyos...

Bata: ...?

Tindera: Dahil kung may Diyos, wala sanang may problema. Walang naghihirap. Lahat sana nasolusyunan na.

Bata: Eh Ate, tanghali na po bakit di pa ubos ang tinda niyo? Kanina pa po kayo rito hindi ho ba?

Tindera: Kasi di naman lahat gusto ng ice cream. Hindi nila alam healthy itong tinda ko. Mas gusto pa nila 'yung kwek kwek.
Bata: Oo nga no? Parang tao rin. May gustong bumili, meron namang ayaw. May naniniwala, meron namang wala. Gusto nilang masolusyunan ang mga problema nila pero wala silang ginagawa. Hindi sila naniniwalang may Diyos. Nasa harap na nila ang masarap na katotohanan, pero patuloy silang nagbubulag-bulagan.

"Hindi sa nagmamalinis ako. Alam kong hindi ako lubos na malinis. May dumi rin ako. Lahat tayo. Pero ikaw, ipinapakita mo kung gaano ka kadumi.
Hindi 'yan pagpapakita ng totoo, pagpapakilala 'yan ng pagiging gago mo.

Hindi kaplastikan ang pagiging mabait sa kabila ng pagiging madumi ng isang tao. Pagpapakita ito ng mataas na pag-unawa. Subukan mong gumawa ng masama, gagawan ka rin ng masama.

Ang negatibong akto ay magbubunga ng negatibo."

Hindi mo kailangan baguhin ang pagkatao mo dahil lang sa iba. Wag na wag mo itong gagawin para lang magustuhan ka ng karamihan.

Hindi ka anino. Hindi ka kumikilos ayon sa dinidikta ng mga pwersa sa paligid mo. May sarili kang utak, may sariling desisyon. Ikaw ang magmamaneho ng manibela mo.

Hindi ka puppet. Ang pagbabago ay gawin para sa sarili mo.

Madalas, ang pagtingin natin sa mundo ay maihahalintulad sa isang puting papel na may itim na tuldok sa gitna.

Ang nakikita natin ay ang maliit na mantsa na iyon. Pero hindi natin napapansin o maaring ipinagwawalang-bahala ang kalinisan at kagandahan ng papel. Na kung tutuusin ay mas malaking bahagi iyon.

Pagbukas ko ng facebook, isang masamang balita ang tumambad sa akin. Isa sa mga tinitingala kong tao sa mundo ay pumanaw na.
Sa edad na 82, wala na si Neil Armstrong.
Hindi, hindi siya bumalik sa moon para maging Last Man on the Moon.

Ma-recall ko lang yung hindi malilimutang statement niya noong July 20, 1969 nang dumating na ang Apollo 11 sa surface ng moon kung saan si Manong Neil Armstrong nga ang First Man who sat foot on the moon.
Sabi niya, "that one small step of the man, one giant leap for mankind".
Inspiring. I'm so proud of that achievement. Kahit hindi pa nga ako ipinanganak sa mga panahong iyon. At malamang wala pa sa mga plano ng mga magulang ko ang ipanganak ako. Hindi naman talaga ako kasama sa mga plano.

Balik kay kuya Neil.

Totoo, sobrang proud ako. Hamakin mo, sa buong universe, Man was the first to land foot at the Earth's moon. Naunahan pa natin si Marvin the Martian. Sobrang achievement talaga. Promise.

With due respect, with so much integrity and pride, I salute Sir Neil Armstrong for making history worth of looking back.

But, a big but (Hindi na ito tungkol kay manong Neil, medyo lang), di ko lang mapigilan ang magreact. Sa facebook, mas marami pang like ang report tungkol sa pagkamatay ni N.A. kaysa doon sa usapin ng mga lokal na balita. Nakakadismaya. Mas pinagtutuunan pa ng karamihan ng mga Noypi ang mga nangyayari sa ibang bansa kaysa sa mga nangyayari sa paligid niya.

Isipin mo na lang, noong pagkamatay ni Steve Jobs, isa sa mga dakilang founder ng Apple corp., halos buong mundo ay nagdalamhati, kabilang na ang iba sa atin. Na kung tutuusin, dapat matagal na tayong nagdadalamhati dahil halos araw-araw may namamatay sa gutom dito sa Pilipinas.

Masakit tanggapin pero ito ang totoo: NAKIKISAWSAW TAYO SA MUNDO PARA LANG MASABING ANDOON TAYO.

NAKIKILUKSA SA DRAMA NG IBA KUNWARI NALUHA PA. (credits to Greyhoundz.Koro. Available in all leading music stores and planets).

To Sir Neil Armstrong, thank you. Bon Voyage.

Ang totoo, mabait naman talaga ang tao. Walang nilalang sa mundong ito ang likas na masama.

Gumagawa lang ng pagkakasala ang iba dahil sa mga bagay-bagay na kailangan nilang gawin.

Tayong lahat ay biktima ng sirkumstansyang dapat natin solusyunan. Kung saan, madalas ay nawawalan tayo ng kontrol sa mga nangyayari. At kinokontrol na tayo ng sitwasyon.
Conformity?

Kung hindi ka pinapansin ng iba sa mundong ginagalawan niyo, dahil sa mukha kang ewan kumpara sa angkin nyang talino, edukasyon at pisikal na kagandahan, talikuran mo ang mundong iyon dahil puno iyon ng kahayupan at makasarili. Hayaan mo silang magpakasaya sa kanilang apoy. Balang araw mawawasak din ang kanilang rebulto at matitira sa mundong iyon ay abo.

Naghahanap ka ng milagro para mapatunayang may Diyos. Pero naisip mo ba kung bakit nakakapag-isip ang isip mo ng iniisip mo ngayon?

Hindi pa ba sapat ang milagrong nangyayari sayo sa pang-araw-araw? Ang kakayahan mong ngumiti kahit na nasasaktan ka?


Gusto kong itapon ang lahat ng pinag-aralan ko lalo na sa science. Hindi naman sa hindi ito importante. Gusto ko lang na wala akong alam. At magbibiyahe ako, patungo sa kanayunan hanggang sa dulo ng mundo. Kung saan may espasyo pa para sa kalikasan. Tapos, sa pagpatak ng ulan, sasaluhin ko ang mga butil nito at itatanong kung paano naging ulan ang ulan. Dahil wala na akong alam sa science, alam ko, tatanggapin ko buong puso ang anumang sagot mula sa Kanya. At malamang ito ang tama.
windpain©